Monday, October 15, 2012

BUHAY BORACAY


October 3, 2012

Hating gabi ng ako’y dumating,
Sa pook na nais ng maraming marating
Masikip na daan ang una kong napansin
Sa gitna ng gabing madilim

Sa pagtulog ko patak ng ulan
Ang nauulinigan sa bubungan
Di gaanong malakas at sapat lamang
Upang madiligan ang mga halaman

Pag gising ko sa umagang iyon
Maulan parin at malamig ang panahon
Napuno ang isip ko ng mga tanong
Sapagkat ang tubig ay abot tuhod na nuon

Iginala ko ang aking mga mata
Puro pader at istruktura ang nakita
Lubog ang komunidad sab aha
Kun saan ang mga Ati nakatira

Ito ba ang paraisong sinasabi nila?
Sapagkat kung ito nga di ako natutuwa
Ilang araw na ang nagdaan
Baha parin kahit wala ng ulan

Minsan ako din ay namasyal sa paligid
Pumunta sa tabing dagat upang magmasid
Mga Bangka na marami sa akin ay bumungad
Na ang mga tali ay sagabal sa aking paglalakad

Halos di ko mabilang ang mga turistang naririto
Mga turistang nasisiyahan kahit na pinaglololoko
Ng mga Pinoy na kausap nila
Tagagabay siguro sa aking sapantaha

Nilakad ko ang backbeach papuntang Lugutan
Mga apat na imburnal aking nadaanan
Kung lowtide ioing maaamoy at makikita
Ang maitim at mabahong tubig mula sa kanya

Napakaganda nga naman ng putting buhangin
Kaya’t marami ang nahuhumaling
Kung gaano karami ang mga taong nabibighani
Basurang naiiwan triple din ang dami

Likas na magalang ang mga Pinoy
Lalo na dito sa Boracay, pag ika’y tumuloy
Siguraduhin mo lang na may pera ka
Dahil kung wala, wag ka ng umasa

Pagkalbo ng gubat problema ng iba
Ngunit ditto wag kang mag-alala
Dahil ang bundok ay pinatag na
Itinambak pa sa mga lawa ang lupa

Oh! Boracay kay ganda mo
Ngunit marami ang sayo’y umaabuso
Iilan lamang ang totoong nagmamahal sayo
Mas marami pa ang gusto kang isakripisyo

Ngayon ang usapin nama’y sinong nagmamay-ari?
Nagmamay-ari ng islang, lahat gustong maghari
Alam nating wala, sapagkat tao’y tagabantay lamang
Ng biyaya ng Diyos na likas na yaman

Noon pama’y narito na ang mga katutubo
Sila yaong nagmamahal ng totoo
Walang baha, walang bundok  na napatag
Ang likas na gand  a ng isla ay mababanaag

Bakit ngayong  kapiranggot  nalang ang kanila
Nais pang agawin ng mga may kaya
Buong buhay nila ay narito sila
At ngayon sila pa ang itinatakwil sa isla

No comments:

Post a Comment